NOTICE: The following blog is in Filipino.
Minsan nasa
eksaktong panahon at oras ka na tila ang lahat ng bagay sa mundo ay tumitigil.
Sa moment na yun, lumukso ang damdamin mo, nag-iba ang pintig ng puso mo, at
kinilig ang lahat ng atay at balun-balunan mo. Pakiramdam mo ay lumiwanag
ang langit gawa ng mga fireworks na pang-Pyrolympics sa MOA. Wala namang mali
doon dahil lahat naman tayo ay may karapatang makaranas ng imaginary fireworks kasabay
ng pagkire ng laman loob. Ang mahirap ay kapag nanatili ka sa moment na yun. Sapagkat
habang ikaw ay nasa moment na yun at haharang-harang ka sa daan, ang sanlibutan
ay patuloy na uusad; magaganap ang magaganap nang hindi ka hinihintay – may mga tatakbo,
maglalakad, mananalo, matatalo, manganganak,
matatapilok, madadapa, kakain, mabubulunan, magugutom, mamamalimos, sasahod,
hindi sasahod, mamomroblema, madedepress, magpapakamatay, mamamatay,
magluluksa, tatawa, magtatagumpay, uunlad sa buhay, masasawi sa pag-ibig, at
lahat ng action word na maisip mo – lahat 'yan patuloy na mangyayari, at hindi
ka aantayin. Huwag na huwag mo 'yang kakalimutan. At sa oras na nananatili kang
tulala at palutang-lutang sa panaginip mo, nawa ay hindi ka tumatawid sa
kalsada dahil kapag nag-green ang stop light na 'yan at hindi ka nagising sa
iyong wastong ulirat, hindi ka sasantohin at aantayin ng mga kaskaserong
ordinary buses na 'yan.
No comments:
Post a Comment